Ang Project Firstline ay ang pambansang training collaborative ng Centers for Disease Control para sa pag-iwas at kontrol ng impeksyon.

Ang APIAHF ay nakikipag-ugnayan sa Project Firstline at ang mga samahang Asyano-Amerikano, Katutubong Hawaiian at Pacific Islander upang ihanda ang mga frontline healthcare worker at public health workforce na maprotektahan ang kanilang sarili, kanilang mga pasyente, at ang kanilang mga komunidad mula sa mga panganib ng nakakahawang sakit.

Mga Kasosyong Samahang Asyano-Amerikano, Katutubong Hawaiian at Pacific Islander

Na-highlight ng pandemya na COVID-19 ang mga pagkukulang tungkol sa impormasyon at sa mga pamamaraan sa pagkontrol ng impeksyon sa mga healthcare setting sa buong bansa.

Noong FY 2020, inilunsad ng CDC ang Project Firstline, isang collaborative ng magkakaibang healthcare, public health at academic partners na nakatuon sa pagbibigay ng pagsasanay sa pagkontrol ng impeksyon na idinisenyo lalo na para sa mga healthcare worker.

Kailangan ng mga healthcare worker ng malinaw at mapagkakatiwalaang rekomendasyon mula sa CDC tungkol sa pagkontrol ng impeksyon, kundi pati na rin sa agham na sumusuporta sa mga impormasyong ito.

Ang Project Firstline ay nagbibigay ng komprehensibo, malinaw, at naaangkop na pagsasanay at edukasyon sa milyun-milyong mga frontline healthcare worker sa Estados Unidos. 

Ang Project Firstline ay pinopondohan sa pamamagitan ng COVID-19 supplemental appropriations na $90M bawat taong FY20 at FY21.

Nagpapatuloy ang pangangailangan para sa pagsasanay, pagkontrol, edukasyon at mga pagbabago tungkol sa impeksyon.

Mga Paksa sa Pagsasanay

Enero 2022 Kaganapan sa Pagsasanay ng Project Firstline: Gumagana ang Mga Prinsipyo sa Pagkontrol sa Pag-iwas sa Impeksyon Para Maiwasan ang COVID-19

Panoorin ang aming Enero 2022 Kaganapan sa Pagsasanay ng Project Firstline na pagtatanghal at talakayan sa mga variant at pag-iwas sa impeksyon na pinadali ng aming Infection Control Champions.


Mag-download ng kopya ng presentation slide deck para sa buwang ito sa ibaba

Upang punan ang aming feedback survey, mag-click dito: 

Pagsasanay ng Kaganapan ng Project Firstline nitong Agosto

Screen Shot 2021-08-11 at 1.27.47 PM.png

Panoorin ninyo itong pagsasanay na nakaayos dito ng project first-line. Ang ating Kampeon sa Pagkontrol ng Impeksyon ay ang nagpadali sa pagtatanghal at talakayan sa Bentilasyon at Pagkontrol sa Pinagmumulan. Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa mga kampeon ng pagkontrol pakiusap na bisitahin ang : https://www.aanhpiprojectfirstline.org

Para sa feedback Survey, pakiusap, magbisita sa: https://www.surveymonkey.com/r/Infection_Control_Training at sagutin ang survey para mapaigi ang aming pagtulong sa inyo.

https://docs.google.com/presentation/d/1nhcav3t86zuRnZ7fD-GyUfeu0eL1CbR0/edit?usp=sharing&ouid=111744675455034776161&rtpof=true&sd=true

June Project Firstline Training Event Tagalog Translation

Abangan ninyo itong Project Firstline Training event na ipinag-ulong abala ng Asian and Pacific Islander American Health Forum (APIAHF), (Association of Asian Pacific Community Health Organizations (AAPCHO), Philippine Nurses Association of America Foundation (PNAAF). Center for the Study of Asian American Health (CSAAH), Asian Pacific American Labor Alliance (APALA), at Papa Ola Lokahi.

Ang ating mga Kampeon sa Impeksyon Kontrol ang nagpaayos ng pagtatanghal at talakayan parti sa COVID-19 strains at kung paano nangyayari ang mutation o pag-umpisa ng variants, pati na rin ang pag-unawa at kahulugan ng impeksyon kontrol lalo na sa mga taong hindi nakakaranas ng sintomas ng COVID 19. Para sa karagdagan ng inyong impormasyon parti sa ating mga Kampeon sa Impeksyon Kontrol, paki bisita lang po ang: aanhpiprojectfirstline.org/firstline-champions.

Para sa feedback Survey, pakiusap, magbisita sa:

Survey: https://www.surveymonkey.com/r/Infection_Control_Training at sagutin ang survey para mapaigi ang aming pagtulong sa inyo.

Unang Paksa

Ang Konsepto ng "Pagkontrol ng Impeksyon"

Ang layunin ng pagkontrol ng impeksyon ay iwasang magkasakit ang mga tao.

Ikalawang Paksa

Mga Pangunahing Kaalaman sa Agham ng mga Virus

Screen Shot 2020-12-15 at 12.09.56 PM.png

Ang SARS-CoV-2 ay ang virus na nagdudulot ng sakit na COVID-19.

 
Screen Shot 2021-01-08 at 3.49.40 PM.png

Ang SARS-CoV-2 ay isang virus. May tatlong pangunahing bahagi ang mga virus: genes, proteins, at isang envelope.

 
Screen Shot 2021-01-08 at 3.53.30 PM.png

Paano Ka Nagkakasakit sa Mga Virus?


Alam mong maaaring kang magkasakit sa mga virus, pero alam mo ba kung paano? Ipinapaliwanag ni Dr. Abby sa episode 5 ng Inside Infection Control kung paano makakapasok ang isang virus sa iyong katawan at kung ano ang ginagawa nito sa sandaling makapasok ito doon. Ang pag-unawa sa impormasyong ito ay makakatulong na magbigay sa iyo ng higit pang kumpiyansa sa paglalapat ng mahahalagang aksyon sa pagkontrol sa impeksyon.

Ikatlong Paksa

Pagkalat ng Respiratory Droplet

Screen Shot 2021-01-08 at 3.51.37 PM.png

Paano naisasalin ang SARS-CoV-2 mula sa isang tao patungo sa isa pang tao: ano ang respiratory droplet?

Ikaapat na Paksa

Pagkalat sa Pamamagitan ng Pakikihalubilo at Fomite Transmission

Screen Shot 2021-01-08 at 3.56.20 PM.png

Sa Loob ng Video na Pagkontrol sa Impeksyon: Paano Kumakalat ang Mga Virus mula sa Mga Ibabaw papunta sa Mga Tao?